Posts

BANGKANG PAPEL ni Genoveva Edroza Matute

Image
 Pangalan: Carolene D. Sim  AB English II   Pagsusuri Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.  Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot. Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malala

TATA SELO Ni Rogelio Sikat

Image
Carolene Sim AB English II Pagsusuri TATA SELO Ni Rogelio Sikat Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangan makalapit sa istaked. “Totoo ba, Tata Selo?” “Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.” Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao. “Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko ho mapan

MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg

Image
Carolene D. Sim AB ENGLISH II Pagsusuri MABANGIS NA LUNGSOD  ni Efren R. Abueg Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kaniya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang na

ANG MANGINGISDA ni Ponciano B. Peralta Pineda

Image
Carolene D. Sim.                  AB English II Pagsusuri ANG MANGINGISDA ni Ponciano B. Peralta Pineda          Maging nang sumabog sa kanyang kamay ang dinamita’y nagsasayaw pa rin sa kanyang isip ang mga lantsa ni Don Cesar na hindi man lamang natitigatig sa hampas ng mga daluyong. Ang ugong ng kanyang motor, sa pandinig niya, ay tila tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa nagliliwanag na punduhan nina Fides.           Ito ang kanyang lakas at pag-asa: ang mga lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides. Ang mga bagay na ito ang nagsilang sa kanyang mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang diwa saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan ng mga pangyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan.           Kanina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: ang pangungutang kina Fides.           “Kung maaari sana’y idagdag mo muna sa dati kong u

AKDA SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Image
https://www.slideshare.net/yamish29/panitikan-sa-panahon-ng-bagong-lipunan Ako'y Pinoy Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang pambansa ang gamit kong salita Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa Ang hindi raw magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Reaksyon: Ang akdang ito ay isang awiting na nagpapakita ng pagiging malaya. Sa bawat salita na makikita sa awiting ito, talaga namang mapapangiti ka dahil sa mga salita na nagpapakita ng pagiging taas noo at PROUD bilang Pilipino.

AKDA SA PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN

Image
https://www.scribd.com/doc/152179018/AKO-ANG-DAIGDIG-Ni-Alejandro-G-Abadilla Ako ang daigdig i. ako ang daigdig ako ang tula ako ang daigdig ang tula ako ang walang maliw na ako ang walang kamatayang ako ang tula ng daigdig ii. ako ang daigdig ng tula ako ang tula ng daigdig ako ang malayang ako matapat sa sarili sa aling daigdig iii. ako ang damdaming malaya ako ang larawang buhay ako ang buhay na walang hanggan ako ang damdamin ang larawan ang buhay damdamin larawan buhay tula ako iv. ako ang daigdig sa tula ako ang daigdig ng tula ako ang daigdig ako ang tula daigdig tula ako Reaksyon: Ang tulang ito kung ating babasahin lamang ay tila napaka lalim ng mensaheng nais ipabatid. Ito ay may mga salitang paulit ulit na ginamit upang bigyang diin ang kahalagahan nito sa akda. Sinasabi ng akdang ito na AKO, tayo ang tula, ang daigdig at ang buhay. Wala nang iba pang dapat na kumilos at mag mahal sa ating bansa kundi tayo.