BANGKANG PAPEL ni Genoveva Edroza Matute

 Pangalan: Carolene D. Sim

 AB English II

 


Pagsusuri

Bangkang Papel

ni Genoveva Edroza Matute


Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. 

Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.

Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...

Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.

Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.

Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.


“Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”


Sa karimla’t pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina. Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako. Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan. “Inay, umuulan, ano?” “Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan. “Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?” Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya’t itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya ang banig na walang tao.

Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito’y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya’t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya’y namaluktot sa nalabing kalahati.

“Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.” Natuwa ang bata sa kanyang narinig. Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay...hindi masisira ng tubig. Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita: “Siya, matulog ka na.” Ngunit ang bata’y hindi natulog. Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon. “Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama. “Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito’y hindi sumagot.

Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig. 

Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.

Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo’y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo’y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.

Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...

Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang paguusap nila’y biglang natigil nang siya’y makita. Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”

At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at paguumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...

Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.

Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.

Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong... “Bakit po? Ano po iyon?”

Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina. Pupungas siyang bumangon.

Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na. Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.

“Handa na ba kaya?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t walang maaaring maiwan.”

Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.

Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.

Nahihintakut ang mga batang humanap kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina. Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumupikit, nakatingin sa wala. Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. “Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?”

Sila’y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan. Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay. Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan. Nag-aalinlangan, ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. “Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”

Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita. “Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman.” Samantala... Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan. Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon. Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...

https://pdfcoffee.com/bangkang-papel-ni-genoveva-edroza-matute-pdf-free.html


I. Pamagat (Ilagay kung bakit humantong ang may-akda sa ganitong pamagat)

Ang pamagat ng Akdang ito ay, "Bangkang Papel". Sa aking palagay kaya ito ang naging pamagat ng akda, sapagkat ang kwentong ito ay tumatalakaybsa isang gabing maulan na ang taging sa isip.lamang ng ibatang tauhan sa iwento ay ang kanyang pangarap na makapag palutang ng bangkang papel sa tubig baha, ngunit sa kasamanaang palad, ang munting pangarap na ito ay hindi na niya nagawa kailan man.

II. May-akda (ipakilala ang may-akda)

 Genoveva Edroza-Matute

Kilala sa tawag na "Aling Bebang," ipinanganak si Genoveva Edroza Matute noong Enero 13, 1915. Nagtapos ng Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon, Medyor sa Ingles at Doktorado sa Unibersidad ng Santo Tomas. Naging guro ng apatnapu't anim na taon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. 

Nagkamit siya ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature mula sa kanyang mga akdang Parusa (1961), Paglalayag ng Puso ng Isang Bata (1995) at kwento ni Mabuti (1950) na nagbibigay sa kanya ng titulo bilang kauna-unahang babaeng nakapag-uwi ng parangal sa larangan ng maikling kwento. 

Nakamit din niya ang Republic Literature Awards ng National Commission for Culture and the Arts. 

Nagkamit din siya ng Kalinangan Award ng Maynila 1967, Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas 1988 at Gawad CCP para sa Sining, 1992 at ginawaran din siya ng Lifetime Achievement Award for Literature. 

Nagsilbi siyang Tagapayo ng Pilipino Section ng The Torch Newsette. 

Bagama't pumanaw noong Marso 21, 2009, patuloy pa rin ang kanyang pakikihamok sa pag-alab ng pagmamahal sa panitikan ng kanyang mga akda. 

Sa kasalukuyan, taunang inilulunsad ng The Torch ang Gawad Genoveva Edroza-Matute bilang parangal sa mga natatanging iskolar-manunulat sa loob ng Pamantasang Normal ng Pilipinas - Maynila.


III. Uri ng Akdang Pampanitikan 

Ang akdang ito ay kabilang sa mga maikling kwento at ito ay tuluyan. 

IV. Nilalaman

a. Tauhan

Batang lalaki- isang batang lalaki na may munting pangarap na makapag palutang ng kanyang bangkang papel sa tubig, ngunit sa kasamaang palad hindi na niya nagawa ito.

Ina ng bata- siya ang ina ng bata sa kwento. Ang kanyang mga mata madalas na tila nakatingin sa kawalan. 

Miling- nakababatang kapatid ng bata sa kwento. Si Miling ay palaging nakadikit sa kanyang ina ay nais nito na palaging hinahagod ang kanyang buhok. 

Ama ng bata- ama ng bata sa kwento. Siya ay kabilang sa labinlimqng nasawi sa sagupaan ng mga kawal at taong bayan. 

Mga kapitbahay (Asawa ni Aling Berta, Mang Pedring, Alng Ading,  Feli, Turing, Pepe)

- sila ang mga kapitbahay ng batang tauhan sa kwento. Sila ay naroon sa bahay ng bata sapagkat sila ay nakikiramay sa pagkawala ng kanilang ama na namatay sa sagupaan ng taong-bayan at mga kawal. 

b. Tagpuan

Ang tagpuan sa kwento ay sa bahay na pawid at may makikitif na sahig  ng mag iina. Isang gabing napakadilim at malamig ay naganap ang kwento. Sa gitna ng unos at sigwa. 

c. Balangkas (Buod)

Ang ulan ay nagdadala ng kadiyahan sa mga bata sapagkat nasisiyahan sila sa pagtampisaw dito. May isang batang lalaki na may munting pangarap na makapagpalutang ng kanyang ginawang bangkang papel sa tubig ulan. Minsan isang malamig na gabi ang batang ito ay nagising sa gitna ng malalakas na tunog na naririnig niya sa labas ng kanilang bahay. Kasabay ang malalakas na kulog at kidlat ay tinanong niya ang kaniyang ina kung nasaan naroon ang kaniyang ama. Sumagot naman ito na hindi niya alam ngunit matapos ito ay inutusan na lamang siyang matulog muli. Natapos ang magdamag at maaga pa kinabukasan ay nagising ang bata sa ingay ng mga tao sa labas ng kanilang bahay. Paglabas niya ay bumungad sa kaniya ang mukha ng kanilang mga kapitbahay na tila puno ng habag at awa para sa kaniya. Nung una ay hindi niya maunawaan ang mga nangyayari ngunit paglaon ay nalaman niya na ang kanynag ama pala ay kasama sa labinlimang nasawi sa sagupaan ng mga kawal at taong bayan nang nakaraang gabi. Samnatala, ang mga pangarap at magagandang ala-ala sa lugar na kanilang tinitirhan ay unti-unti niyang iniwan sa kanilang paglisan patungo sa ibang lugar. Ang mga pangarap na makapg palutang ng bangkang papel sa tubig ulan ay nanatiling pangarap na lamang sa isipan ng batang ito, na paminsan  minsan ay bumabalik sa tuwing makakakita siyan ng bangkang papel. 


V. Taglay na Bisa (Damdamin, Kaisipan, Asal)

Bisa sa Damdamin

Matapos kong basahin ang kwentong ito, ako ay nakadama ng kalungkutan para sa bata sa kwento. Ang kanyang simpleng pangarap ay nanatiling oangarap na lamang sa kanyang isipan sapagkat hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na gawin ito. Nahahabag din ako sa paliya nila sapagkat mahirap para sa isang munting bata na mawalan ng ama lalo na sa mirang edad pa lamang. 

Bisa sa Kaisipan

Ang akdang ito ay nag iwan ng isang salita sa aking isip. PATULOY. Kagaya ng bata sa kwento, sa murang edad ay nawalan siya ng ama at ang munting pangarap niya ay hindi niya natupad kailan man. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay. 

Bisa sa Kaasalan

Sa buhay, meron talaga tayong mga pangarap at plano para sa aring sarili na hindi natin nakakamtan. At kung minsan ang mga kasawiang ito ay nagdudulot ng pangamba sa atin na muling mangarap. Ngunit kagaya ng bata sa kwento, huwag natin hayaan na mahadlangan tayo ng mga bagay na ito, sa halip patuloy lang tayo mangarap at abutin ang mga pangarap na ito. Magtiwala lang tayo sa plano ng Dios sa ating buhay, di man matupad ang mga pangarap natin, ngunit ang plano ng Dios ay palaging magaganap. 

VI. Kamalayang Panlipunan

Lahat naman siguro sa atin ay nakaranas nang masawi sa kanilang mga pangarap. Yong tipong iba nag nangyari sa inaasahan natin. Kadalasan ang pagkasawi na ito ay nagiging hadlang para sa atin na muling mangarap. Sa disesyon man, lovelife, o kahit sa ating mga munting pangarap, madalas kapag nasasawi tau o hindi nangyayri ang gusto natin ay parang nagkakaroon tau ng takot na sumubok nang muli. Ngunit ang kwentong ito ay nag bukas ng aking isip na huwag matakot na suubukang muli ang mga pangarap na nais nating makamit. Sabi nga sa isang engles na kasabihan, Try and try until you succeed. 

Ako man ay nagtatanong sa aking isip kung bakit ang munting pangarap ng batang ito ay hindi na niya nagawang tuparin sa kabila ng madaming pagkakataon na maari naman niya itong gawin. Ngunit sa kadahilanang ito rin ang nagbukas sa aking isip na maraming paraan ang maaari natin gawin kung nais natin makamit ang ating mga pangarap. 

Popular posts from this blog

MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg

ANG MANGINGISDA ni Ponciano B. Peralta Pineda

TATA SELO Ni Rogelio Sikat