MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg

Carolene D. Sim

AB ENGLISH II



Pagsusuri

MABANGIS NA LUNGSOD

 ni Efren R. Abueg

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na

lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may

bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng

dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang

gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay

hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong.

Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y

naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon

katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kaniya

kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.

Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang

nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang

mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at mabawasan ang mga

taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit

na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng

suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga

hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman

ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may

puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.

Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang

mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob

ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang mga bisig sa wala

pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang

ipinararamdam ng pangangalam ng kaniyang sikmura at sinasapian pa ng takot na

waring higad na gumagapang sa kaniyang katawan.

“Mama... Ale, palimos na po.”

Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng

mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng

pagmamadali ng pag-iwas.

“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap,

pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,”

madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap

na iyon ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa

dakong liwasan ng simbahan.

At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling

Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang

paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.

“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik

kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim

na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa,

ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kaniyang bituka.

“Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!”

Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak

ng lupa. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng

karukhaan.

Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali,

narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa

wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi,

hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad

ng kaniyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kaniyang

kinaroroonan.“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang

pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaring makarinig.

Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang

nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman

at nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng

isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taon malamig,

walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa

kaniyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at

hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng isang

marahas na bagay.

Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat

ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari

bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang

mga barya sa kaniyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa

kaabalahan niya’y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa

simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga

kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling

pag-iwas.

“Adong... ayun na si Bruno” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.

Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad

na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na

gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig.

At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ngunit

ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina

pa ay mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang

napagpalimusan.

“Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang

sinabi sa matanda.

“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!”

Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa

simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas

siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik

siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala na

siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.

Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan

ng kaniyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng

isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo

sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa

mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa

kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.

 “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.

Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang

tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni

Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas

na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at

kabangisan.

“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” Naisigaw na lamang ni Adong.

Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya

ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi

na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya.

http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/mabangis-na-lungsod-ni-efren-r-abueg.html?m=1


I. Pamagat (Ilagay kung bakit humantong ang may-akda sa ganitong pamagat)

Ang akda na ito ay Pinamagatang, "Ang mabangis na lungsod". Sa aking palagay ito ang naging pamagat ng kwento sapagkat ito ay tumutukoy sa buhay ng pangunahing tauhan sa kwento. Sa piling ng marahas na lungsod na ito kasama ang mga tao na mababangis at walang awa ay nagwakas ang buhay ng isang batang walang muwang. 

II. May-akda (ipakilala ang may-akda)

Efren Reyes Abueg (ipinanganak noong Marso 1937 sa Tanza, Cavite) ay isang kilalang at kinikilala Wikang Filipino malikhaing manunulat, editor, may-akda, nobelista, manunulat ng maikling kwento, sanaysay, fictionist, propesor, manunulat ng aklat, at anthologist sa Pilipinas.[1][2] Ang kanyang mga gawa ay lumitaw sa mga magazine tulad ng Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Mod, at Buhay bahay.[2]

III. Uri ng Akdang Pampanitikan 

Ang kwentong, Ang mabangis na lungsod ay isang maikling kwento. Ito ay kawili wiling basahin at kapupulutan ng aral na makakapukaw sa ating damdamin.


IV. Nilalaan

a. Tauhan

Adong- isang mosmos na bata na kabilang sa mga nakapilang namamalimos sa labasan ng simbahan ng Quiapo. Ang kanyang buhay ay nagwakas sa mabangis at walang awang kamay ni Bruno.

Aling Ebeng- isang matandang pilay na katabi ni adong sa bandang liwasan ng simbahan. Madalas pagsalitaan ng matandang ito si Adong ng mga masasakit na salita.

Bruno- isang mabangis at sakim  na lalaki na kinatatakutan ng mga namamalimos sa labasan ng simbahan ng Quiapo. Siya ang walang awang  kumukuha ng mga perang nalilikom ng mga batang namamalimos. Sa kamay niyannagtapos ang walang muwang na buhay ni Adong. 

b. Tagpuan

Quiapo- sa pasimula ng kwrnto inilarawan ang lungsod ng Quiapo kung gaano kaabala ang mga tao dto na tila ba kahit gabi ay walang tigil ang paroo't parito. 

Liwasan ng simbahan sa Quiapo- sa lugar na ito tumakbo ang buhay ni adong. Dito nakapila ang mga namamalimos sa mga taong nanggaling sa simbahan. 

c. Balangkas (Buod)

Sa pasimula ng kwento inilarawan ang isang lungsod. Mga ilaw na magdamag nakabukas at mga tao na tila walang ubos sa pagpaparoo't parito. Mga gabing tila nagiging umaga na din dahil sa mga taong abalang abala sa kani-kanolang gawain. Ngunit ang bawat gabing ito ay baliwala lamang sa batang si Adong. Ang simbahan ang buhay ni Adong kasama ang iba pang mga pulubing namamalimos sa liwasan ng simbahan ng Quiapo. Bagama't nangangalam na ang sikmura ay wala paring sawa niyang inaabot ang kanyang kamay sa bawat taong dumaraan upang manghingi ng kaunting limos. Tumunog ang kampana, at sa kaunting sandali lamang ay maririnig na ang mga yabag na papalabas ng simbahan. Pinagbuti ni Adong ang paglahad ng kamay at pagtatawag sa mga taong nagdaraan mula sa simhaban. May mga ilang barya din na inihulog sa kamay ni Adong, ngunit ang saglit na kasiyahan ay agad na napawi sa puso ni Adong nang makita ni ang papalapit na si Bruno. Nanghihina man ang loob ngunit nagdisisyon na lamang siya na takasan na  si Bruno upang makalayo sa mabangis na buhay sa Quiapo. Munting galak ang sumilip sa puso ni Adong nang makalayo na siya ng kaunti sa kinaroroonan ni Bruno ngunit hindi niya inaasahan, aramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya.

V. Taglay na Bisa (Damdamin, Kaisipan, Asal)

Bisa sa Damdamin

Matapos kong mabasa ang kwento ito ako ay nakadama ng pagkahabag sa mga tao na nagdaralita sa buhay. Alam kong maraming bata ang nagugutom mgunit walang mapagkukunan ng pagkain. Maraming bata ang nakakaranas ng karahasan sapagkat walang magulang na magtatanggol sa kanila. Lubos akong nalulungkot para sa mga taong nakakaranas nga subrang kahirapan. Kung ako lang sana ay may kakayahan na higit na matulungan ang mga taong ito, lubos kong ikagagalak na sila ay maabot sa ganyang kalagayan. 

Bisa sa Kaisipan

Ang kwentong "Ang mabangis na Lungsod" ay tunay na nagpupukaw sa ating kaisipan ng mga bagay na nangyayari sa ating kapaligiran. Ito ay gumigising sa ating mga natutulog na diwa ng pagmamahal at pagtulong sa ating kapwa. Sa kwentong ito naikintal sa aking isip na kung tayo ay may pagkakataon na tumulong sa ating kapwa bakit hindi natin gawin. Malaki ang magagawa ng ating pagmamahal at pagtulong sa kanila. Huwag tayo gumaya sa mga tao sa kwento na wala man lamang habag sa puso na magtapon ng kahit isang sulyap sa mga bata na katulad ni Adong. 

Bisa sa Kaasalan

Buhat sa kwento natutuna ko na malaki ang nagagawa ng kaunting pagtulong natin sa ating kapwa. Minsan sa palagay natin wala lang ung mga bagay na meron tayo ngunit para doon sa mga tao na walang wala sa buhay langit na ang kapantay ng bagay na ito. Maging mapagpasalamat din tayo sa Dios sa mga bagay na mayroon tayo sapagkat mapalad tayo kung tayo ay hindi kabilang sa mga bata/tao na katulad ng pamumuhay ni Adong. At kung tayo man ay nakaka anggat sa buhay huwag natin tapakan ang mga nasa ibaba kagaya ng ginagawa ni Bruno sa kwento,  sa halip tulungan natin sila upang sila man ay makabangon at maka anggat din sa buhay.

VI. Kamalayang Panlipunan

Ang kahirapan ang higit sa lahat na pinaka mahirap na kalaban ng ating lipunan. At hindi linggid sa ating kaalaman na ang mga karahasan na katulad ng sa kwento ay tunay na nagyayari sa buhay. Walang ibang dapat na magtulungan kundi tayo tayo lang din kaya kung tayo ay magpagkakataon upang tumulong kahit na sa pinakamaliit na paraan gawin natin. 

Popular posts from this blog

ANG MANGINGISDA ni Ponciano B. Peralta Pineda

TATA SELO Ni Rogelio Sikat