AKDA SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

https://www.slideshare.net/yamish29/panitikan-sa-panahon-ng-bagong-lipunan

Ako'y Pinoy

Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga.
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.

Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan
Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika
Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda

Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa.
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga.
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.

Reaksyon:
Ang akdang ito ay isang awiting na nagpapakita ng pagiging malaya. Sa bawat salita na makikita sa awiting ito, talaga namang mapapangiti ka dahil sa mga salita na nagpapakita ng pagiging taas noo at PROUD bilang Pilipino.

Popular posts from this blog

ANG MANGINGISDA ni Ponciano B. Peralta Pineda

MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R. Abueg

TATA SELO Ni Rogelio Sikat