AKDA SA PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN
https://www.scribd.com/doc/152179018/AKO-ANG-DAIGDIG-Ni-Alejandro-G-Abadilla
Ako ang daigdig
i.
ako
ang daigdig
ako
ang tula
ako
ang daigdig
ang tula
ako
ang walang maliw
na ako
ang walang
kamatayang ako
ang tula ng daigdig
ii.
ako
ang daigdig
ng tula
ako
ang tula
ng daigdig
ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aling daigdig
iii.
ako
ang damdaming
malaya
ako
ang larawang
buhay
ako
ang buhay
na walang
hanggan
ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako
iv.
ako
ang daigdig
sa tula
ako
ang daigdig
ng tula
ako
ang daigdig
ako
ang tula
daigdig
tula
ako
Reaksyon:
Ang tulang ito kung ating babasahin lamang ay tila napaka lalim ng mensaheng nais ipabatid. Ito ay may mga salitang paulit ulit na ginamit upang bigyang diin ang kahalagahan nito sa akda. Sinasabi ng akdang ito na AKO, tayo ang tula, ang daigdig at ang buhay. Wala nang iba pang dapat na kumilos at mag mahal sa ating bansa kundi tayo.