AKDA SA PANAHON NG PROPAGANDA
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-propaganda.html
Sa aking mga Kabata
Kapag ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katupad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit pa sa hayop at mapansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang Anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingi
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Reaksyon:
Ang akdang ito ay isang mabisang paraan upang ipaalala sa mga Pilipino na paka-ibigin ang sariling wika. Wala nang wika ang hihigit pa, sa sariling wika na sa atin mismo nagmula. Mula noon hanggang ngayon, marapat lamang na pahalagahan natin ang wikang Filipino.