AKDA SA PANAHON NG AMERIKANO
https://www.coursehero.com/file/57104934/253058263-KAHAPON-NGAYON-AT-BUKASdocx/
Kahapon, Ngayon, at Bukas (Buod)
Nasilaw sa kislap ng salapi ay isinuplong ni Asal Hayop (Mapaglilong Tagalog) ang kanyang Inang Bayan (Filipinas) at ang kanyan kapatid na si Tagailog (Katagalugan). Napatay ni Tagailog si Haring Bata (Haring Intsik). Pinarusahan ni Tagailog si Asal Hayop, sinunog siya upang magsilibing halimbawa na hindi siya dapat pamarisan.
Dumating si Dilat na Bulag (Espanya). Kinaibigan niya sina Inang Bayan at Tagailog. Sila’y nagsumpaan ng katapatan at bilang pagpapatibay sa kanilang sumpaan ay ininom nila ang pinaghalong dugong nagbuhat sa kanilang mga ugat.
Si Dahumpalaya (Mapaglilong Tagalog) ay nagtaksil at sa pakana niya ay nasukol at napilit si Tagalog. Si Matanglawin (Sakim at Mapagsamantalang Gobyerno ng Kastila saPilipinas) ay sinulsulan pa ni Dahumpalay na panatilihing nakagapos si Tagailog sa habangpanahon. Namulubi si Inang Bayan dahil sa pagmamahal sa anak.
Ipinagkaloob niya ang kanyang salapi kay Matanglawin upang makalaya si Tagailog. Pinalaya ni Matanglawin si Tagailog ngunit siya’y nagbabalak na naman nang masama. Huhulihin niyang muli si Tagailog upang makahinging muli ng salapi kay Inang Bayan. Nalinlang ni Tagailog si Matanglawin kaya hindi natupad ang masama niyang balak.
Naisadlak sa libingan ni Dilat na Bulag si Inang Bayan sa tulong ni Halimaw.Napabalitaang pinamumunuan ng kaluluwa ni Tagailog ang magsisipaghimagsik.Napagkasunduan nina Tagailog at Bagong Sibol (Amerika) na pagtutulungan nila si Dilat na Bulag. Lumabas sa libingan si Inang Bayan. Inilibing nang buhay sina Dilat na Bulag, Matanglawin at Halimaw sa libingang hinukay sa utos ni Inang Bayan. Nagtagumpay sinaTagailog at Bagong Sibol. Pinaalalahanan ni Inang Bayan si Bagong Sibol na pakitunguhan silang mabuti sapagkat kapag silang mag-ina ay inapi ni Bagong Sibol ay makabubuti pang lahat sila’y lipunin nang minsanan. Nayari ang bandila ni Inang Bayan. Ipinabatid ni Taga ilog kay Bagong Sibol ang paghahangad ng kalayaan ni Inang Bayan.
Napangarap ni Bagong Sibol na hinabol niya si Inang Bayan dahil sa kinuha niyon ang dala niyang agila at ipinukol sa isang maliit na batong may elektrisidad. Lumubog sa libingan si InangBayan. Pinagbantaan si Bagong Sibol ng mga kaluluwang nangaroon. Pinagbalaan ng kasawian ni Kamatayan si Bagong Sibol kapag hindi niya pinalaya si Inang Bayan
Reaksyon:
Ang akdang ito napaka mahiwaga at malalim ang pakahukugan. Nais nitong ipabatid sa mga mambabasa ang pananakop na ginawa ng nga Kastila ngunit binigyan tayo ng kalayaan ng Amerika.